-- Advertisements --
Nagkausap sa telepono si US President Joe Biden at Pope Francis.
Ayon sa Vatican na isa sa tinalakay nila ang kaguluhang nagaganap sa Israel at Hamas militant.
Tumagal aniya ang pag-uusap ng dalawa ng 20 minuto na nakatuon sa kalagayan ng mundo at ang paraan para maabot ang kapayapaan.
Una ng nanawagan ang 86-anyos na Santo Papa ng paghinto ng giyera sa Israel dahil sa dumarami na ang sibilyan na nadadamay sa kaguluhan.
Aabot sa mahigit 4,000 na ang nasawi mula ng magsimula ang labanan sa pagitan ng Israel at Hamas noong Oktubre 7.