-- Advertisements --

NAGA CITY- Muling nakapag tala ng 14 new confirmed cases ng Coronavirus disease sa Bicol Region.

Resulta upang umakyat na sa 794 ang COVID-19 confirmed cases sa rehiyon.

Sa datos ng Department of Health Center for Health Development – Bicol napag-alaman na sa nasabing bilang lima ang mula sa Albay (1 Guinobatan, 4 Legazpi City), apat sa Catanduanes (Virac), apat sa Camarines Sur (2 Bombon, 1 Bato), at isa naman sa Naga City.

Sa ngayun dahil sa mabilis na paglobo ng naturang sakit sa rehiyon, patuloy ang paalala ng DOH-Bicol sa mga mamamayan na masusing sumunod sa mga health protocols tulad na lamang ng social distancing, pasuot ng facemask, hand washing, at iba pa.