NAGA CITY – Nakapagtala ngayon ng 40 new confirmed cases ng coronavirus disease ang Bicol region.
Sa ngayon ito na ang pinakamataas na nairehistro ng Department of Health Center for Health Development – Bicol resulta upang umakyak na sa 749 ang kabuuang bilang ng confirmed cases habang 431 naman ang active cases.
Sa datos ng DOH-Bicol, napag-alaman na sa nasabing bilang 24 ang mula sa probinsya ng Albay (9 Legazpi City, 5 Ligao City, 6 Tabaco City, 3 Daraga, 1 Malilipot), pito sa Camarines Sur (5Tigaon, 1 Camaligan, 1 Magarao), apat sa Naga City, tatlo sa Catanduanes (1 Baras, 1 Virac, 1 Bato) at dalawa sa Sorsogon (1 Pilar, 1 Matnog).
Maliban dito mula sa nasabing bilang ay muling nakapagtala ng panibagong kaso ng binawian ng buhay dahil sa COVID-19 sa rehiyon.
Nabatid na kinilala ang ika-19th COVID-19 death case sa Bicol na si Bicol#711 isang babae, mula sa probinsya ng Albay.
Una nang nakaranas ng mga sintomas noong Agosto 1, 2020, at kumunsolta sa doctor noong Agosto 6, 2020. Ngunit Agusto 7, 2020 alas-5:45 ng umaga ng ito ay binawian ng buhay dahil sa acute respiratory failure type 1, secondary to pneumonia severe, at hypertension in urgency.
Samantala nagpaabot naman ng pakikiramay ang ahensya sa pamilya ni Bicol#711 at patuloy na nananawagan sa mamamayan na sumonod sa mga health protocols na ipinapatupad ng gobyerno.