-- Advertisements --

Inihayag ng Bureau of Immigration na kanilang ipapa-deport ang naarestong umano’y car importer ng mag-asawang Curlee at Sarah Discaya.

Ito’y kasunod nang tuluyang maaresto si Cao Cheng, na siyang kinumpirma naman ni Land Transportation Office Assistant Sec. Markus Lacanilao.

Ayon kay BI Deputy Spokesperson Melvin Mabulac, kasalukuyang nakadetene si Cao sa Camp Crame matapos ang pagkakaaresto.

Inaasahan ililipat si Cao sa pasilidad ng Immigration sa Taguig City pagkatapos maisailalim sa inquest at medical examination.