-- Advertisements --

Inaresto ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong Koreanong napatunayang ilegal na nagtatrabaho sa isang pribadong resort sa Cavite.

Ang tatlong dayuhan ay inaresto noong Mayo 22 sa isang resort na matatagpuan sa loob ng isang subdibisyon sa General Trias, Cavite, ayon kay 

BI Intelligence Division Chief Fortunato Manahan Jr. kinilala ang tatlo bilang sina Oh Hyunsik, 51; Kim Haeyoung, 48; at Kim Seoyeong, 45.

Inaresto sila sa koordinasyon ng Philippine Navy at Philippine National Police matapos makatanggap ang Bureau of Immigration ng impormasyon hinggil sa presensya ng isang ilegal na dayuhan sa lugar.

Ayon sa records mula sa BI, ang tatlo ay nagtatrabaho nang walang tamang permit at visa, na isang paglabag sa Philippine immigration laws. 

Pinuri naman ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado ang pagkakaaresto, at sinabing inaasahan na ang mga dayuhang nasa bansa ay susunod sa ating mga batas.

Mananatili ang tatlo sa pasilidad ng Bureau of Immigration sa loob ng Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig habang isinasagawa ang mga proseso para sa kanilang deportasyon.