-- Advertisements --
SWAB TEST OFWS OFW NAIA DFA OWWA

Hindi umano nawawalan ng pag-asa ang Bureau of Immigrations (BI) na dadami pa ang mga Pilipinong lalabas ng bansa habang papalapit ang holiday season.

Sa 1,000 Filipino travelers daw kasi ay tanging 95 lamang ang umalis sa bansa ngayong araw sa pamamagitan ng tourist visa. Kaunti lamang ang pagkakaiba nito kumpara sa 64 katao na umalis sa bansa sa parehong araw noong nakaraang linggo.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, maraming Pinoy pa rin ang takot na magpunta sa ibang bansa dahil sa nagpapatuloy na COVID-19 pandemic.

Simula ngayong araw ay papayagan na ang outbound travel ng mga Pilipino ngunit may ilang kondisyon pa rin na paiiralin.

Kailangan magkaroon ng sapat na travel at health insurance ang isang turista.

Dapat din itong magpakita ng roundtrip tickets at ideklara na naiintindihan nila ang posibleng risks ng kanilang paglabas sa bansa.

Hindi rin mawawala ang negative antigen test result na kinuha isang araw bago ang departure at gayundin ang pagsunod sa mga COVID-19 guidelines para naman sa mga returning Filipinos.

Papayagan ding lumabas ng bansa ang mga overseas Filipino workers (OFWs), mga estudyante na nag-aaral sa ibang bansa, mga participants ng exchange visitor program at maging ang mga banyaga na may permanent resident status.

Dagdag pa ng BI, pwede nang makapasok sa Pilipinas ang asawa o anak ng isang Filipino citizen, banyagang magulang ng mga menor de edad na Pinoy, at pati na rin ang foreign parents ng mga Filipino children na may special needs.