-- Advertisements --

Naghahanda na ang OPM boy group na BGYO para sa kanilang solo concert sa buwan ng Oktubre.

Sa kanilang social media account ay ibinahagi nila ang magandang balita sa konsyerto na nakatakdang ganapin sa New Frontier sa Quezon City.

Noong Enero ay pinagdiwang ng five-member group ang kanilang ika-apat na anibersaryo.

Binubuo nina Mikki, Nate, JL , Gelo at Akira na nagsimula noong 2021.

Noong nakaraang buwan ay inilabas nila ang bagong kantang “All These Ladies”.