ILOILO CITY – Umalis na sa pwesto bilang regional director ng Bureau of Fire Protection Region 6 si Fire Sr. Supt. Roderick Aguto.

Ito ay kasunod ng kontrobersiyang kinasasangkutan ng ahensya dahil umano sa hindi pagsunod sa quarantine protocols ng kanilang firewoman na nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 (Covid-19) kung saan pumunta pa umano ito sa isla ng boracay.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Fire Sr. Insp. Stephen Jardeleza, tagapagsalita ng Bureau of Fire Protection Region 6, sinabi nito na mismo si Aguto ang humiling na umalis na lang sa pwesto bilang regional director.

Sa ngayon, si Fire Sr. Supt. Jerry Candido na ang magsisilbing regional director ng nasabing ahensya.

Ayon sa kanya, si Candido ay isang abogado at residente ng Iloilo.

Napag-alaman na naging kontrobersyal ang BFP-6 dahil umano sa pagtago sa kanilang personnel na covid-19 positive.