CEBU CITY – Umabot sa higit $100,000 ang pinakamahal na presyo ng admission tickets upang mapanuod nang mas malapitan ang NBA Finals na ginanap sa Oracle Arena, sa Califonia, USA.

Sa ulat ng Bombo International Correspondent sa US na si Daniel Guden, sinabi nito na karamihan sa mga nanonood ng mainit na laban ng Golden State Warriors at Toronto Raptors ay mga malalaking negosyante at mga Hollywood celebrities.

Ayon kay Guden, na tubong Cebu, mabibili ang VIP tickets nito sa halagang US$109,000 o P5.4-million.

Nagkakahalaga rin ng US$78,000 (P3.9 milyon) ang tickets ng front row seats habang mabibili rin ang general admission tickets sa presyong US$520 (P26,000).

Sinabi rin ni Guden na ang halaga ng tickets ay nagdedepende na rin sa layo ng upuan mula sa eksena sa hard court at maaaring mabibili rin umano ang mga tickets sa pamamagitan credit card.

Napag-alaman na ang California ay 3rd largest state ng Estados Unidos kung saan naging maunlad ito sa larangan ng entertainment, agriculture, at high technology.

Base sa datos ng US Census Bureau, nasa 1.6-milyon ang populasyon ng mg Pilipino sa California noong 2018.