-- Advertisements --

Nagpakita ng kanilang puwersa militar ang Belarus at Russia.

Sa ginawang military exercise na tinawag na “WEST 2025” ay ipinamalas ng dalawang bansa ang mga makabagong kagamitang militar.

Isinasagawa ang military exercise ng dalawang bansa kada apat na taon.

Kung noong 2022 ay aabot sa 200,000 na mga sundalo ang nakibahagi ay mas mababa ngayong taon.

Paliwanag ng dalawang bansa na ang military exercise ay bahagi ng kanilang depensa sa sinumang mga bansa ang lumulusob sa kanila.

Inimbitahan naman ang ilang mga kinatawan ng 23 bansa kasama ang US, Turkey at Hungary na manood ng nasabing military exercise.