Beermen
San Miguel Beermen/ PBA image

Sinamantala ng San Miguel Beermen ang kawalan ng import ng Alask Aces para tuluyan silang tambakan 109-83.

Bumida sa panalo ng Beermen si Dez Wells na nagtala ng 25 points habang mayroong 18 points ang naitala ni Terrence Romeo.

Ito na rin ang pangatlong pagkatalo ng Aces sa ilalim ng bagong coach na si Jeffrey Cariaso.

Hindi kasi nakapaglaro si Aces import Justin Watts dahil sa strained calf injury.

Aminado naman si Beermen coach Leo Austria na kaya sila nagwagi dahi sa kawalan ng import ng Aces.