Nalusutan ng San Miguel Beermen ang Phoenix Pulse 92-82 para makuha ang 2-0 na kalamangan sa semifinals ng PBA Philippine Cup.

Naging bida sa laro si Marcio Lassiter na nagtala ng 24 points.

Nagdagdag naman ng 19 points, 18 rebounds sia June Mar Fajardo habang mayroong 14 points si Terrence Romeo.

Hawak pa ng Phoenix ang 12 puntos na kalamangan ng habulin ito ng Beermen.

Nagkaroon pa ng pisikalan sa pagitan nina Calvin Abueva at Christian Standhardinger na nagresulta sa pag-eject sa manlalaro ng SMB.

Aminado naman ni Beermen coach Leo Australia na sinuwerte lamang sila sa panalo dahil sa matinding larong ipinamalas ng Phoenix.