-- Advertisements --

Nakamit ng San Miguel Beermen ang kanilang unang panalo sa PBA 50th Season Philippine Cup.

Ito ay matapos na talunin nila ang Rain or Shine 111-93 sa laro na ginanap sa Ynares Center II sa Montalban, Rizal.

Nanguna sa panalo ng Beermen si Cjay Perez na nagtala ng 23 points, habang mayroong 18 points si Marcio Lassiter habang nagtala ng 17 points at 14 rebounds naman si June Mar Fajardo.

Mula sa simula ay dominado ng Beermen ang laro na umabot pa sa 25 points ang kalamangan.

Sinabi ni San Miguel coach Leo Austria na ayaw nilang maging 0-3 kaya noong sila ay nag-ensayo ay pinaalala nito sa mga manlalaro ang kahalagahan ng panalo.

Nasayang naman ang nagawang 17 points ni Adrian Nocum habang mayroong 16 points, siyam na rebounds si Jhonard Clarito at nagtapos naman ng 11 points at apat na assist si Stanley Pringle sa unang laro niya sa Elasto Painters.