Reading Time: 1 minute
SMB PBA
SMB Beermen

Isang panalo na lamang ang kailangang ng San Miguel Beermen para makuha ang kampeonato ng PBA Commissioners Cup.

Ito ay matapos talunin ang TNT Katropa 99-94 at maitala ang 3-2 na kalamangan sa best-of-seven finals.

Binuhat ni Chris McCullough ang koponan na nagtala ito ng 35 points at 22 rebounds.

Nag-ambag naman ng 22 points si Terrence Romeo habang mayroong 16 points at 11 rebounds si June Mar Fajardo.

Labis naman ang pasalamat ni Beermen coach Leo Austria dahil naipanalo nila ang laban.

Hawak pa ng TNT kasi ang 14 points ng kalamangan sa pagbubukas ng 4th quarter hanggang mahabol ito ng Beermen.

Nakapagtala naman ng 35 points, 17 rebounds at walong assists si Terrence Jones.