Nagpahayag ng interest na mapabilang sa Gilas Pilipinas si San Miguel Beermen Chris McCullough.

Sinabi nito na handa siya anumang oras sakaling tawagan siya na sumali sa Gilas.

Naglaro ang 24-anyos na si McCullough sa Brooklyn Nets at Washington Wizards kung saan mayroon itong 15.4 points, 5.5 rebounds at 1.4 blocks.

Magugunitang inanunsiyo ni Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) President Al Panlilio na nagsimula na silang maghanap ng bagong naturalized players para sa Gilas Pilipinas.