Nagkasundo ng trade ang San Miguel Beermen at NorthPort.

Ipinalit ng Beermen ang kanilang center na si Kelly Nabong kay Russel Escoto.

Russel Escoto
Russel Escoto/ PBA image

Ang nasabing deal ay inaprubahan ng Office of the Commissioner ng PBA.

Itinuturong dahilan ng paglipat kay Nabong ay ang naganap na kaguluhan noong Nobyembre kung saan nakalaban niya ang ka-team mate na sina Ronald Tubid, Arwind Santos at import Dez Wells sa kanilang ensayo.

Mayroong average 4.1 points, 4.0 rebounds ang 31-anyos na si Nabong.

Unang naglaro naman sa Columbian ang 27-anyos na si Escoto bago ilipat sa NorthPort noong Agosto.

Mayroon itong 3.7 points at 2.4 rebounds si Escoto.