Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Bases Conversion and Development Authority (BCDA) president Vince Dizon bilang deputy chief implementer ng pagpapatupad ng mga tugon ng pamahalaan kontra COVID-19.

Naisapormal ang pagkakatalaga kay Dizon sa pamamagitan ng memorandum na inilabas ni Executive Secretary Salvador Medialdea nitong Biyernes.

Magiging katuwang si Dizon ni Presidential Peace Adviser Sec. Carlito Galvez Jr., na siyang chief implementer ng pambansang polisiya laban sa COVID-19.

Nitong Setyembre 2019 nang italaga rin si Dizon bilang Presidential Adviser for Flagship Programs and Projects.

Bago maitalaga sa BCDA, naging consultant si Dizon ni House Speaker Alan Peter Cayetano noong nasa Senado pa ito.

Nagsilbi ring undersecretary for political affairs si Dizon noong panahon ni dating Pangulong Benigno Aquino III.