-- Advertisements --
Inabisuhan na ng Kongreso sina presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at presumptive Vice President Sara Duterte-Carpio para sa posibleng schedule ng proklamasyon.
Ito ang kinumpirma sa Bombo Radyo ni House Secretary General Mark Leandro Mendoza, dahil sa posibleng marathon canvassing na gagawin ng Kamara at Senado para sa mga nalikom na boto.
Kung sakali, magiging record breaking umano ang dalawang araw lamang na pag-canvass, kung ikukumpara sa mga nakaraang halalan.
“Nasabihan na po natin sila, para makadalo. Pati na ang ibang stakeholders, nasabihan na rin po natin,” wika ni Mendoza.
Martes ng hapon ang magiging simula ng proseso at maaaring abutin ito ng gabi o baka hatinggabi pa, kung kakailanganin.