Tiniyak ni Indian Prime Minister Narendra Modi na poprotektahan ng gobyerno ang mga magsasaka sa gitna ng tumitinding tensyon sa kalakalan sa pagitan ng India at Estados Unidos.
‘Modi will stand like a wall against any policy that threatens their interests. India will never compromise when it comes to protecting the interests of our farmers,’ pahayag ni Modi sa kanyang taunang talumpati mula sa Red Fort sa New Delhi.
Kasunod ito ng pagpataw ng 25% taripa ng Amerika sa mga produktong galing India, na maaaring tumaas pa sa 50%.
Bagamat hindi tuwirang binanggit ang Amerika, nanawagan si Modi ng self-reliance at paghahanda sa paggawa ng sariling pataba, jet engine, EV batteries, at semiconductor chips.
‘The need of the hour is to take a resolve for building a strong India … I want our traders, shopkeepers to display boards for ‘Swadeshi’ products,’ ani Modi, na tumutukoy sa salitang Hindi para sa mga produktong gawa sa India.
Simula Oktubre kasi, magpapatupad ang India ng mas mababang buwis sa lokal na produkto at serbisyo para pasiglahin ang ekonomiya.
Samantala, naudlot naman ang negosasyon ng India at U.S. matapos ang limang rounds ng pag-uusap dahil sa isyu sa agricultural products at langis mula sa Russia.
Kung saan ayon kay Modi respetuhin at unawain ng Amerika ang kanilang desisyon sa kabila ng umiigting na tensyon.