-- Advertisements --
Ibinunyag ni US President Donald Trump na pumayag na si Indian Prime Minister Narendra Modi na hindi na bumili ng langis sa Russia.
Ang nasabing hakbang ay paraan ng US para tuluyang tigilan na ng Russia ang pag-atake nito sa Ukraine.
Dagdag pa ni Trump na nagbigay na ng katiyakan si Modi ukol sa nasabing usapin.
Magugunitang naglatag ng kondisyon si Trump sa India na dapat huwag bumili ng krudo sa Russia para hindi na sila patawang ng mataas na taripa.
Sinabi ng Indian government na nagsasagawa na sila ng pag-uusap sa US ukol sa trade war.