-- Advertisements --
Itinuturing ni Russian President Vladimir Putin na naging mabunga ang ginawang pagbisita nito sa India.
Nagkaroon ito ng pakikipagpulong kay Indian Prime Minister Narendra Modi.
Tinalakay ng dalawa ang pagpapaigting ng relasyon ng dalawang bansa sa kalakalan at seguridad.
Kasama na ang pagtatayo ng Russian-Indian pharmaceutical factory sa Kaluga region ng Russia.
Magugunitang inalmahan ng US ang ginawang pagiging malapit ng India sa Russia kung saan pinatawan nila ito ng sanctions.
















