Pinagiingat ng Batanes Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (BPDRRMO) ang mga residente sa kanilang lugar dahil sa posibiloidad ng pagbagsak ng mga rocket debris sa baybayin ng Batanes.
Ayon sa abiso ng BPDRRMO, magpapakawala ng Long March 5 ang Wenchang Space Station sa Hainan China sa pagitn ng mga oras ng 10:22pm hanggang 11:45pm ngayong gabi.
Dalawang drop zone ang natukoy ng ahensya na posibleng maging mapagbbagsakan ng mga debris na pawang mga nasa katubigan ng Sabtang, Batanes.
Payo pa ng ahensya sa mga mangingisda at iba pang mga nagbabalak maglayag sa karagatan ng Sabtang, maging maingat at iwasan ang paglapit sa mga drop zones na ito.
Samantala, maliban sa pagiwas sa mga natukoy na landing areas, pinaalalahanan din ng BPDRRMO na huwag hawakan ang mga mamamatang mga debris kung sakali at agad na ipagbigay alam sa mga otoridad ang mga ito upang maisailalim sa beripikasyon.