-- Advertisements --

Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na natagpuan nakalutang ang rocket debris na may marka ng watawat ng China sa may baybayin ng Pangutaran, Sulu.

Sa isang statement ngayong Sabado, Enero 3, iniulat ng PCG na hinatak ng lokal na mangingisda ang naturang rocket debris malapit sa Barangay Suang Bunah.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng naturang barangay ang rocket debris.

Ayon sa PCG, nakikipag-ugnayan na ang Coast Guard Station Western Sulu sa barangay officials para sa posibleng paglilipat ng debris sa kustodiya ng ahensiya para sa maayos na handling at disposisyon.

Kaugnay nito, hinimok ng ahensiya ang publiko na agad i-report sa mga awtoridad ang anumang kakaibang bagay na mamamataan sa dagat para masiguro ang kaligtasan ng publiko.