Itinakda na rin ng Minor Basilica of San Sebastian Parish ang ilang aktibidad kasabay ng Kapistahan ng Jesus Nazareno ngayong lingo.
Ang naturang parokya ang isa sa mga pangunahing dinadaanan ng imahe ng Jesus Nazareno at regular na nagsasagawa ng dungaw habang dumadaan ang imahe sa harapan nito.
Batay sa schedule na inilabas ng parokya, sa Enero-8 ay ibababa ang imahe ng Nuestra Señora del Carmen de San Sebastián mula sa retablo mayor o sa altar patungo sa Camarin ng simbahan.
Kinabukasa, Enero-9 o sa mismong pista, magdaraos ang basilica ng dalawang magkasunod na misa mula alas-6 hanggang alas-7 ng umaga.
Dito na hihintayin ng imahe ang pagdaan ng Nuestro Padre Jesús Nazareno para sa nakatakdang dungaw na inaasahang dadaluhan din ng daan-daang libong mga deboto.
Bubuksan muli ang basilika kinaumagahan (Jan. 10), para sa dalawang magkasunod na misa sa umaga at isa sa hapon (6PM).
Ang Nuestra Señora del Carmen de San Sebastián at Nuestro Padre Jesús Nazareno ay tinaguriang dalawang ‘Mapaghimalang Patron ng Quiapo’.















