-- Advertisements --
barmm mura speech
BARMM Chief Minister Aljaj Murad Ibrahim

CENTRAL MINDANAO – Ipinagmalaki ang pamamalakad ng mga opisyal ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa loob lamang ng dalawang buwan tumaas ang kita nito ng P31 milyon.

Ayon kay BARMM Chief Minister Aljaj Murad Ibrahim sa nakalipas na Bangsamoro Transition Authority (BTA) session na ang Ministry of Environment, Natural Resources and Energy (MENRE-BARMM) ang nakapag-remit ng dagdag na P31 milyon sa Bangsamoro Treasury para sa total revenue collection na P239 milyon mula Enero hanggang Agosto ng taong ito.

Dagdag ni Murad, mas mataas ang koleksyon na ito kumpara sa parehong period noon sa ilalim ng ARMM na nakakolekta lamang ng P205 milyon.

Ayon naman kay MENRE Minister Abdulraof Macacua, isa sa mga priority goal ng MENRE ay ang pagtatatag ng moral governance sa environmental protection.

Samantala, nagsimla na rin ang Technical Budget Hearing ng iba’t ibang Ministries ng BARMM matapos magsumite ng kanilang budget proposals para sa susunod na taon.

Kinompirma ni BARMM spokesperson at Interior and Local Government Minister Naguib Sinarimbo na ang budget deliberation ay pangungunahan ng Ministry of Finance and Budget Management.

Dagdag ni Sinarimbo, posible namang mapupunta sa Ministry of Basic, Higher and Technical Education ang malaking parte ng 2020 budget ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.