BUTUAN CITY – Patuloy pang inalaam ng pulisya ang dahilan ng pagkamatay ng kapitan sa Barangay La Fraternidad sa bayan ng Tubay, Agusan del Norte na ilang araw nang nawawala.

Ang biktimang si Kapitan Elmer Jerita ay natagpuang wala nang buhay kaninang umaga na nakalutang sa baybayin malapit sa Pier 5 sa San Roque Metals Inc. (SRMI) sa nasabi ring barangay.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na wala umanong problema ang biktima sa kanyang kaanak at mga constituents.