-- Advertisements --
Balik sa mga kalsada para magprotesta ang libu-libong katao sa mga major cities ng Myanmar.
Ito’y kahit nagbabala ang militar na maraming buhay ang mawawala kapag ipagpapatuloy ng mga protesters ang kanilang demonstrasyon.
Maraming negosyo ang nagsara at maraming mga empleyado ang sumali sa protesta.
Hindi natinag ang mga protesters kahit pa dalawang katao na ang namatay dahil sa nagpapatuloy na mga demonstrasyon upang iprotesta ang military coup na ipinatupad sa nasabing bansa.
Nauna nang hiningi ng mga protesters na palayain si Aung San Suu Kyi at mga senior members ng National League for Democracy (NLD) party at tapusin ang military action.