-- Advertisements --

Nasa 34 katao ang nasawi at marami ang nasugatan sa naganap na airstrikes ng Myanmar military at tumama sa pagamutan.

Matatagpuan ang ospital sa bayan ng Mrauk-Usa Rakhine state na kontrolado ng Arakan Army na isa sa mga pinakamalakas na ethnic armies na lumalaban sa military ng bansa.

Ilang libong katao na ang nasawi at milyon ang lumikas mula ng makontrol ng military ang kapangyarihan dahil sa coup noong 2021 na nagdulot ng civil war.

Tikom naman ang bibig ng Myanmar military sa nangyaring airstrikes.