-- Advertisements --
Naging maganda ang pagsisimula ng Philippine men’s national under-22 team sa Southeast Asian Games (SEA Games) matapos na talunin nila ang Myanmar 2-0.
Naitala ni Alex Monis ang unang goal sa ika-19th minuto sa laro na ginanap sa 700th Anniversary Stadium sa Changmai, Thailand.
Matapos ang limang minuto ay muling nakapagtala ng goal ang Pilipinas sa pamamagitan ni Latt Wai Phone.
Pinilit ng Myanmar na makagawa ng goal subalit naging mahigpit ang depensa ng Pilipinas.
Nasa unang puwesto ang Pilipinas sa Group C kung saan makakaharap nila ang Indonesia sa araw ng Lunes, Disyembre 8.
















