DAGUPAN CITY – Nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad kaugnay sa natagpuang wala ng buhay na katawan ng isang lalaki sa Calmay River sa lungsod ng Dagupan.

Una rito ay nakatanggap ng ulat ang mga pulis mula sa isang Fortunato Soriano, 41, at isang fish vendor ukol sa umano’y palutang lutang na katawan ng isang lalaki na unang nakita ng isang fishing boat driver na kinilalang si John Rondero, 46.

Isinalarawan ang biktima na may suot na kulay itim na pang itaas at pang-ibabang damit, nasa 5 feet at 7 inches ang tangkad, mayroong medium built na katawan, naka-barber’s cut at tinatayang nasa 30-45 anyos ang edad.

Sa ngayon ay inaalam pa ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng biktima at ang tunay na rason ng kanyang kamatayan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here