BAGUIO CITY– Inilibing na ang bankay ng lalaking natagouan sa Mayos River ng Gadgada, Poblacion, Kibungan, Benguet noong Nobyembre 28.

Ayon kay Pol. Lt. Douglas Akistoy, hepe ng Kibungan Municipal Police Station, naipatupad ang isang ritwal at panalangin bago inilibing noong isang araw ang hindi pa nakikilalang lalaki.

Aniya, wala pa ring dumudulong sa kanilang tanggapan para sa posibilidad na makilala ang nasabing bangkay.

Una nang sinabi ni Akistoy na walang anumang matinding sugat ang bankay at pinaniniwalaang nasa edad na 40 hanggang 50.

Nabatid na natagpuan ang bankay na nakasuot ng itim na sweatshirt, shortpant na may stripen na yellow at mayroon itong tattoo sa kaliwang kamay.

Nakakuha rin ang Scene of the Crime Operative (SOCO) ng tissue mula sa bangkay para sa DNA sample.