-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Palaisipan sa mga kamag-anak ng pinagbabaril patay na band manager kung anong monitbo sa pagpaslang sa kanilang kaanak sa San Mateo, Isabela.

Ang biktima ng pamamaril patay ay si ginoong Nestor Quibuyen, Manager ng Quibuyen band at residente ng Sinamar Norte, San Mateo, Isabela .

Sa naging Panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Gng. Jane Rowena Parbo, pamangkin ng biktima na nakarinig sila ng sunod-sunod na putok ng baril at nang kanilang puntahan ang kinaroroonan ng tiyuhin ay nakita na lamang na nakahandusay.

Nakita naman sa pinangyarihan ng pamamaril ang 5 basyo ng bala ng baril.

Sinabi ni Parbo na walang silang alam na dahilan para paslangin ang biktima dahil walang kaaway at mabait ang kanyang tiyuhin.

-- Advertisement --

Dinala sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.

Sakay ng motorsiklo ang bumaril patay kay Quibuyen

Patuloy ang ginagawang pagsisiyasat ng pulisya may kaugnayan sa naturang pamamaril patay sa biktima.