-- Advertisements --

cause

Nakatakdang sampahan ng kaso ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang balikbayan na nanggaling ng Amerika na hindi dumaan sa quarantine dahil sa malinaw umanong paglabag ito sa quarantine protocols ng IATF.

Ito ang inihayag ni PNP chief Police General Dionardo Carlos matapos iutos ni Department of Interior and Local Government Sec. Eduardo Ano na tutukan ng PNP ang insidente.

Ayon kay Carlos, sasampahan ng kaso ng CIDG si Gywneth Chua na quarantine violator, maging ang mga may-ari ng Berjaya Hotel sa Makati at mga tauhan ng Bureau of Quarantine (BOQ).

Mahigpit daw kasi na dapat na tinatapos ang mga itinakdang araw ng quarantine para maiwasan ng hawaan ng COVID 19.

Kasunod nito, para hindi na maulit pa ang insidente.

Sinabi pa ni Carlos na magsasagwa ng inspeksyon ang mga pulis sa designated hotels-quarantine facilities at sinumang makita na may paglabag ay sasampahan din ng kasong kriminal.

Una nang sinabi ni Sec Ano na ang babaeng quarantine violator ay nakapanghawa ng 15 katao na nagpositibo din sa virus.

Sa ngayon hindi pa masabi ng kalihim kung Omicron ang tumama kaya hinihintay pa nila ang resulta sa isinagawa genome sequencing.

Samantala, ang Department of Tourism (DOT) naman ay naglabas na ng show cause order sa hotel kung saan naka-quarantine ang balikbayan.