-- Advertisements --

Pangungunahan ni Balanga Bishop Rufino Sescon ang nakatakdang midnight Mass o Misa Mayor sa Quirino Grandstand, kasabay ng kapistahan ng Jesus Nazareno sa Enero-9, kapalit ni Manila archbishop, Cardinal Jose Advincula.

Bilang tradisyon, ang archbishop of Manila ang nangunguna sa midnight mass sa taunang kapistahan.

Gayunpaman, nitong Lunes ay bumiyahe patungong Vatican si Cardinal Advincula upang makibahagi sa unang consistory na ipinatawag ni Pope Leo XIV. Kasama niya ang iba pang kapwa-cardinal.

Sa kabila nito, tiniyak naman ni Quiapo Church rector Fr. Ramon Jade Licuanan na papanoorin pa rin ni Cardinal Advincula ang buong kapistahan.

Bago ang biyahe ng Cardinal, siya rin ang nag-preside sa ika-limang novena Mass na inialay kay Jesus Nazareno noong Enero-4 sa Quiapo Church.

Sa kabilang banda, dati ring nagsilbi bilang rector ng Quiapo Church si Bishop Sescon hanggang sa na-appoint siya bilang bishop noong 2024.