CENTRAL MINDANAO-Abot mahigit sa isang daang mga Senior Citizen ng bayan ng Kabacan Cotabato ang tumanggap ng bakunang mula sa Coronavac ng Sinovac.
Batay sa datos, ang mga senior ay mula sa Brgy. Poblacion habang isusunod naman sa ibang barangay.
Hinimok ni Kabacan Incident Commander on Covid-19 at MHO Dr. Sofronio T. Edu, Jr. ang mga Senior na magpatala sa kanilang mga Barangay lalo pa’t magbabase ang bakunang ibibigay sa RHU batay sa bilang ng mga senior.
Matapos mabakunahan, nagpadala rin ng Medicine Kit ang RHU na naglalaman ng Paracetamol, Mefenamic Acid, Citirizine, at Facemask.
Samantala,umaabot sa 87 mga empleyado (Job Order, Casual, Regular) ang napagkalooban ng ‘Hadiyah’ ng LGU Kabacan sa pangunguna ni Kabacan Mayor Herlo P. Guzman, Jr.
Ayon sa alkalde, nakagawian na ng noong unang termino pa ng kanyang panunungkulan ang pamamahagi ng hadiyah sa mga kapatid na Muslim sa panahon ng Ramadan.
Samantala, lubos naman ang pasasalamat ng mga nakatanggap ng bigas na anila malaking tulong ngayong buwan ng pag-aayuno.
















