-- Advertisements --
President Duterte
President Duterte

Hindi papayagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabalik eskuwela hangga’t wala pang bakuna laban sa coronavirus disease 2019 o COVID -19.

Sa talumpati ng Pangulo nitong Lunes ng gabi, sinabi nito na kapag binuksan na ang pasok ng mga mag-aaral ay hindi maiiwasan ng mga ito na magdikit-dikit.

“I will not allow the opening of classes na magdikit-dikit ‘yang mga bata. Bahala nang hindi na makatapos, for this generation, wala nang matapos na doktor pati engineer. Wala nang aral, laro na lang. Unless I am sure that they are really safe, it’s useless to be talking about the opening of classes. Para sa akin, bakuna muna. Kapag nandiyan ‘yung bakuna, okay na,” wika pa ng Pangulo.

Note: Please click audio statement of Pres. Duterte

Iginiit pa ng chief executive na dapat unahin muna ang bakuna bago ang pagbabalik eskuwela ng mga bata.

Magugunitang inanunsiyo ng Department of Education na gagawin ang balik eskuwela sa Agosto 24 na inalmahan ng ilang mga mambabatas at mga magulang.