Sinalakay ng mga operatiba ng Marikina City Police Station ang isang bahay sa Barangay Nangka, Marikina City na hinihinalaang imbakan ng mga kemikal sa paggawa ng shabu.

Ayon kay Marikina chief of police, Police Senior Supt. Roger Quezada, sinalakay ng mga otoridad ang isang malaking bahay sa bisa ng search warrant.

Sinabi ni Quezada na napakaraming container ng iba’t ibang kemikal ang nakita sa likurang bahagi ng bahay.

Inaalam na rin sa ngayon kung anong uri ang mga nasabat na kemikal.

Ayon kay Quezada pawang naka sulat na Chinese ang mga nakitang container.

Sinabi ng opisyal na may nag-tip sa kanila na ang nasabing bahay ay pag-aari ng isang John Ming Shen, ang Chinese na inaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na siya ring may ari ng kemikal na natagpuan sa Batangas at Malabon.

Nagpapatuloy pa ang inventory ng Malabon PNP sa nasabing bahay.
T