Wala na umanong direktang epekto ang bagyong Ursula sa kalupaan ng bansa kahit nasa loob na ito ng Philippine area of responsibility (PAR).
Pero ang outer rain bond umano ng bagyo ay magdadala ng mahinang pag-ulan sa Zambales at Bataan.
Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Pagasa Weather Specialist LorieDin Dela Cruz, ang frontal system ngayon ang makakaapekto at magpapaulan sa northern Luzon partikular ang tail end of a cold front.
Ang bagyo ay huling namataan sa layong 335 km kanluran ng Subic sa Zambales.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hangi ng 120 kilometers per hour at pagbugsong 150 kph.
Bumagal ito na umuusad sa ngayon sa bilis na 10 kph pa-hilagang kanluran.
Sa susunod na 24 oras ay asahang lalabas na sa teritoryo ng Pilipinas ang naturang bagyo.