Patuloy na tinatahak ng Bagyong Pepito ang direksyon patungo sa West Philippine Sea.
Ito’y isang araw bago inaasahang lalabas ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyo bukas ng umaga o pagsapit ng hapon.
Sa latest bulletin ng PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration), huling namataan ang sentro ng Tropical Storm Pepito sa layong 210 kilometers sa kanluran ng Dagupan City, Pangasinan.
Taglay nito ang hangin sa lakas na 85 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna, at bugsong aabot sa 105 kph.
Samantala, tanging ang bahagi na lamang ng Pangasinan ang nasa ilalim ng signal No. 1.
Kabilang sa mga lugar sa Pangasinan na sakop ng tropical cyclone signal ay ang Bolinao, Anda, Bani, Agno, Alaminos City, Mabini, Burgos, Dasol, Sual, Labrador, at Infanta.
Dakong alas-9:00 kagabi nang mag-landfall ang bagyo sa bahagi ng Casiguran, Aurora province.