Napanatili ng bagyong Neneng ang kanyang lakas habang papalayo ng teritoryo ng bansa.
Sa pinakahuling data mula sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), huling namataan ang sentro ng bagyong Neneng sa layong 210 km West Northwest ng Calayan, Cagayan.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 120 km/h malapit sa gitna at pagbugsong 150 km/h.
Tinatahak nito ang westward direction sa bilis na 15 kph.
Sa ngayon, nakataas pa rin ang Signal No. 2 sa Batanes, western portion ng Babuyan Islands (Dalupiri Is., Calayan Is., Panuitan Is., Babuyan Is.), northwestern portion ng Ilocos Norte (Bangui, Burgos, Pagudpud, Pasuquin, Bacarra)
Kung maalala, ang western portion ng Babuyan Islands ay isinailalim kanina sa Signal No. 3.
Kabilang naman sa mga lugar na nasa Signal No. 1 ang western portion ng Cagayan (Allacapan, Aparri, Ballesteros, Abulug, Sanchez-Mira, Pamplona, Claveria, Santa Praxedes, Rizal, Lasam), Apayao, northern portion ng Abra (San Juan, Tayum, Langiden, Lagangilang, Danglas, La Paz, Dolores, Lacub, Tineg, Lagayan, Bangued), nalalabing bahagi ng Ilocos Norte, northern portion ng Ilocos Sur (Magsingal, San Vicente, Santa Catalina, Sinait, San Ildefonso, City of Vigan, Cabugao, Caoayan, San Juan, Bantay, Santo Domingo).