-- Advertisements --

Hindi nagbabago ang lakas ng bagyong Neneng.

Ayon sa PAGASA, nakita ang sentro nito sa may 685 kilometers ng silangang bahagi ng Calayan, Cagayan.

May taglay itong lakas na hangin ng 55 kilometers per hour at pagbugso ng hanggang 70 kph.

Nakataas ang ang Tropical Cyclone Wind Signal number 1 sa Batanes, Cagayan, the eastern portion of Apayao (Luna, Santa Marcela, Flora, Pudtol), the extreme northern portion of Isabela (Santa Maria, San Pablo, Maconacon), at extreme northern portion ng Ilocos Norte (Pagudpud, Bangui, Burgos).

Magdudulot ang bagyo ng pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon.

Nagbabala ang PAGASA na nagiging mapanganib pa rin ang mangisda sa mga karagatan dahil sa lakas ng alon na dulot ng bagyong Neneng.