Napanatili ng bagyong Nando ang lakas nito habang binabagtas ang North Northwestern sa karagatanng bansa.
Base sa pagtaya ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), na ang sentro ng bagyo ay nasa 1,225 kilometro ng silangang ng Southeastern Luzon.
Mayroon pa rin itong lakas ng hangin na 55 kilometer per hour at pagbugso ng hanggang 70 kph.
Maaring sa loob ng 48 oras ay maaring magdulot ng malakas na pag-ulan ang nasabing bagyo.
Sa araw ng Sabado ay maaring maabot na nito ang typhoon category.
Habang ang bagyong Mirasol ay hindi nagbabago ang lakas ng hangin nito.
Tinatayang nasa 165 km ng Western Calayan, Cagayan ang sentro ng bagyong Mirasol.
Mayroong pa ring taglay na lakas ng hangin ng hanggang 55 kph at pagbugso ng hanggang 70kph.
Nanantiling nakataas ang signal number 1 sa mga lugar ng Batanes, Babuyan Islands; ,Santo Niño, Camalaniugan, Pamplona, Rizal, Claveria, Lasam, Aparri, Ballesteros, Abulug, Allacapan, Sanchez-Mira, Santa Praxedes sa Cagayan; Apayao; Pidigan, San Juan, Tayum, Langiden, Lagangilang, Danglas, La Paz, Licuan-Baay, Tineg, Malibcong, Peñarrubia, San Isidro, San Quintin, Dolores, Lagayan, Bangued, Bucay, Lacub, Sallapadan sa Abra; Ilocos Norte; Sinait, Cabugao, San Juan, Magsingal, Santo Domingo, Bantay, San Vicente, San Ildefonso, Santa Catalina, City of Vigan, Caoayan, Santa, Nagbukel, Narvacan sa Ilocos Sur.
Inaasahan na hihina ang bagyong Mirasol kapag mag-landfall na ito sa southern China sa araw ng Sabado, Setyembre 20.