Bahagyang bumilis ang bagyong Nando habang ito ay papalapit sa extreme northern Luzon.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nakita ang sentro ng bagyo sa may 300 kilometers ng Silangan ng Calayan, Cagayan.
Mayroong taglay na lakas na hangin ito ng 205 kilometers per hour at pagbugso ng hanggang 250 kph.
Nakataas ang signal number 5 sa Babuyan Island., Didicas Island ng Babuyan Island.
Habang signal number 4 naman ang Basco, Mahatao, Ivana, Uyugan, Sabtang sa Batanes; natitirang bahagi ng Babuyan Island at sa Santa Ana sa Cagayan.
Signal number 3 naman ang mga bahagi ng Gonzaga, Lal-Lo, Gattaran, Baggao, Alcala, Santo Niño, Lasam, Allacapan, Camalaniugan, Buguey, Santa Teresita, Aparri, Ballesteros, Abulug, Pamplona, Sanchez-Mira, Claveria, Santa Praxedes, Rizal, Amulung, Piat sa Cagayan; Flora, Santa Marcela, Pudtol, Luna, Calanasan, Kabugao sa Apayao; at sa Carasi, Piddig, Vintar, Bacarra, Pasuquin, Burgos, Bangui, Dumalneg, Pagudpud, Adams, Nueva Era, Solsona, Dingras, Sarrat, Laoag City, San Nicolas ng Ilocos Norte.
Habang signal number 2 naman ang nakataas sa natitirang bahagi ng Cagayan, Isabela, natitirang bahagi ng Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province; Alfonso Lista, Aguinaldo, Mayoyao, Banaue, Hungduan, Lagawe, Hingyon sa Ifugao; sa Diadi Nueva Vizcaya; Cabugao, Sinait, San Juan, Magsingal, Santo Domingo, Bantay, San Ildefonso, San Vicente, Santa Catalina, City of Vigan, Caoayan, Santa, Nagbukel, Narvacan, Santa Maria, San Emilio, Burgos, Santiago, San Esteban, Lidlidda, Banayoyo, Quirino, Cervantes, Suyo, Sigay, Gregorio del Pilar, Salcedo, Galimuyod, City of Candon, Santa Lucia, Santa Cruz sa Ilocos Sur.
Itinaas naman ang signal number 1 naman ang mga lugar ng natitirang bahagi ng Nueva Vizcaya, natitirang bahagi ng Ifugao, Benguet, natitirang bahagi ng Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, , Aurora, Nueva Ecija, Bulacan, Tarlac, Pampanga, Zambales at General Nakar sa Quezon kabilang ang Polilio Islands.
Maaring mag-landfall ang bagyong Nando sa tanghali o hapon ng araw ng Lunes Setyembre 22 at lalabas din sa Philippine Area of Responsibility ng umaga ng Martes, Setyembre 23.
Maaring lumakas pa ang bagyo kaya pinag-iingat ng PAGASA ang mga nasa typhoon signal na iwasan ang maglayag.