Lalong lumakas ang Bagyong Inday habang nasa dagat sa silangan ng katimugang Taiwan ngayong Linggo at ang outermost rainband nito at ang Southwest Monsoon (Habagat) na bahagyang lumakas ay magdadala ng mga pag-ulan sa ilang lugar ng Luzon.
Ang Batanes at ang kanlurang bahagi ng Southern Luzon ay magkakaroon ng mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa pinakamalabas na mga rainband ni Inday at monsoon.
Alas-4:00 ng umaga kanina, ang sentro ng Inday ay matatagpuan sa layong 350 km silangan hilagang-silangan ng Itbayat, Batanes.
Si Inday ay may maximum sustained winds na 155 km/h malapit sa gitna, pagbugsong aabot sa 190 km/h, at central pressure na 955 hPa.
Ayon sa PAGASA hindi direktang magdadala ng malakas na pag-ulan si Inday sa bansa.
Walang bahagi ng bansa ang inaasahang ilalagay sa ilalim ng anumang tropical cyclone warning signal dahil sa Inday, ngunit maaaring itaas ang mga signal sa mga bahagi ng extreme Northern Luzon sa mga darating na araw dahil sa tropical cyclone.
Batay sa huling tinantiya ng state weather bureau ang mata ng bagyo na nasa 350 kilometers East Northeast ng Itbayat, Batanes, ay may taglay na maximum sustained winds na 155 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 190 kilometers per hour. Kumikilos ito pahilagang-kanluran sa bilis na 15 kilometro bawat oras.
Dahil sa Bagyong Inday, nakataas din ang gale warning sa northern seaboards ng Northern Luzon.
Maaari rin itong magdala ng katamtaman hanggang sa maalon na karagatan sa silangang seaboard ng nasabing lugar.
Ayon sa PAGASA, inaasahang lalabas ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Martes ng umaga o hapon.