Nagdulot ng malawakang pagbaha sa United Kingdom ang bagyong Ciara.

Nawalan rin ng suplay ng kuryente ang maraming residente ng north Yorkshire.

Pinayuhan na rin ng mga otoridad ang mga pasahero ng train na huwag ng bumiyahe habang kanselado rin ang maraming flights.

Umabot sa 90 mph ang hanging dulot ng nasabing bagyo.

Pinayuhan din ng mga otoridad ang maraming residente na umiwas lumabas dahil sa malawakang pagbaha.