-- Advertisements --

Lalo pang lumakas ang bagyong nasa silangan ng Pilipinas at ngayon ay iniakyat na ito sa tropical storm category.

Binigyan na rin ito ng international name na “Champi.”

Huli itong namataan sa layong 2,050 km sa silangan ng Central Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 75 kph at may pagbugsong 90 kph.

Kumikilos ito nang pahilaga sa bilis na 30 kph.

Bagama’t hindi ito inaasahang tatama sa lupa, lumakas naman ang paghatak nito sa habagat.

Kaya naman, aasahan ang malalakas na buhos ng ulan sa western section ng ating bansa.