-- Advertisements --

Nabigo sa unang round ng US Open si Australian Open champion Madison Keys.

Tinalo siya ni Renata Zarzua ng Mexico sa score na 6-7 (10), 7-6 (3), 7-5.

Nagkaroon ng maraming pagkakamali ang six-seeded na si Keys kabilang na ang 14 double-faults.

Habang ang ranked 82 na si Zarazua ay natalo sa una o ikalawang round ng lahat ng walong Grand Slam appearance niya.

Magugunitang nitong Enero na nagwagi si Keys sa Australian Open ng talunin si world number 1 Aryna Sabalenka sa finals.