-- Advertisements --
Lalo pang lumakas ang bagyong may international name na “Champi,” habang nananatili sa labas ng Philippine area of responsibility.
Sa ngayon, nasa severe tropical storm category na ito, habang taglay ang lakas ng hangin na 95 kph at may pagbugsong 115 kph.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,840 km sa silangan ng extreme Northern Luzon.
Kumikilos ang bagyo nang pahilaga hilagang kanluran sa bilis na 10 kph.
Pina-iigting pa rin ng bagyo ang pag-iral ng habagat, kaya inaalerto sa posibilidad ng ulan ang Batanes, Babuyan Islands, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Metro Manila, Bataan at Zambales.