-- Advertisements --

NAGA CITY – Hindi umano magiging hadlang sa mga protesters ang malakas na bagyong nananalasa ngayon sa Hongkong.

Sa report ni Bombo International Correspondent Ricky Sadiosa, sinabi nito na may nakatakda pa ring martsa bukas kung saan sasama na pati ang ilang government workers.

Ayon kay Sadiosa tinatayang 5,000 hanggang 6,000 mga empleyado mula sa gobyerno ang makikiisa sa nasabing protesta.

Kasama din daw bukas ang ilan pang mga indibidwal na mula rin sa pribadong sektor na siyang mangunguna sa martsa.

Inaasahang aabot sa 45,000 mga protesters ang magtipon tipon bukas sa Chater Garden sa Central Hongkong.

Nitong nakaraang linggo ng humarap sa media ang representante ng government workers upang ianunsiyo ang pakikiisa sa kilos protesta kaugnay ng kaguluhan sa kanilang lugar na nagmula sa isyu ng extradition bill.

Bagyo hindi magiging hadlang sa protesta sa Hongkong, mga government workers makikiisa na rin sa martsa bukas