LA UNION – Todo pasalamat ang bagong regional director ng Police Regional Office (PRO-1) sa isinagawang turnover command ceremony at retirement honors sa grandstand ng Camp Brig. General Oscar Florendo sa siyudad ng San Fernando, La Union.

Una nang pinalitan ni Brig. Gen. Joel Sabio Orduna si outgoing Brig. Gen. Romulo Sapitula na nagretiro kahapon.

Nagpasalamat din si Orduna sa tiwala na ibinigay sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte at ni PNP chief Gen. Oscar Albayalde sa pag-assume sa kanyang tungkulin.

Sinabi ni Orduna na tutuparin nila ang mga alituntunin na ipinapatupad ng PNP at ang pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan.

Siniguro rin ng opisyal na gagawin nila ang lahat upang maiwasan ang paggawa ng “unlawful acts.”

-- Advertisement --

Hinimok din nito ang mga miyembro ng PRO-1 na maging imbestigador at gawin ang naayon na mga hakbang sa pagresponde sa anumang uri ng sitwasyon.

Hinihingi rin ng opisyal ang kooperasyon ng mga provincial directors at hepe ng pulisya na samahan ito sa pagpapatupad ng disiplina at surprise inspection upang masiguro na laging handa ang mga ito sa anumang pangyayari.